CHAPTER 21 Nakarating kung saan-saan si JR upang hanapin sana ang asawa pero halos napuntahan na niya ang buong Isabela pero walang Sharp Mouth na nagpakita. " Baby ko naman asaan na? Anu ba kasi ang nagawa ko at bigla kang nagkaganyan." bulong ni JR habang patuloy na naghahanap . Hanggang sa mapadako siya sa umpukan ng mga tao at akmang magtatanong sana siya pero hindi niya naituloy dahil sa usapan ng mga ito. " Grabe ka naman Imang porke't buntis ka halos hindi pala halos kasi talagang iyun na ang ginagawa mo sa kanya. Kulang na lang ibulsa mo." " Tse! Inggit ka lang dahil walang laman iyang tiyan mo!" " Paanu magkakalaman ang tiyan niyan eh hindi yata nadidiligan." " Mga bunganga ninyo para kayong mga hindi babae kung saan-saan ninyo pinag-uus