Chapter 31 TOMMY Prente siyang nakaupo sa silya habang humihigop ng kape sa tasa at nakamasid kay Brie. Nasa counter ang dalaga at busy naman kahit napakaaga pa. Medyo maraming tao sa restaurant at hindi pa rin iyon maiwanan ni Linda. “Tito-Sir may gusto pa ho kayo?” nakangiting tanong ng isa sa mga kaibigan ni Brie sa kanya. Umiling siya at ngumiti. “I’ll call you when I need something other than my coffee.” He formally said. Ngumiti rin ang dalaga sa kanya at tumalikod. Siya naman nang ibalik niya ang mga mata sa girlfriend na napasulyap sa gawi niya at parang nahipan ng engkanto na kikindat-kindat ang isa mata at napa-flying kiss pa, ay nag-vibrate naman ang cellphone niya at umiilaw pa. Tommy immediately glanced on the screen and the beating of his heart nearly stoppe