NAPANSIN NI NOAH ang pagiba ng itsura ng babaeng katabi. Ngumiwi ito. Matapos ay binitawan ang mga kamay ni Noah. Kapagkuwan ay ngumisi at pinaikot ang mga mata. Tumayo ito at nagpalakad-lakad sa harapan ni Noah na animo'y isang modelo. Kapagdaka’y inalapit ang kaniyang bibig sa tainga ng binata na ikinaasiwa ni Noah. ”Hindi pala kita puwedeng maangkin, Noah,” aniya. “Kilala ko ang mapapangasawa ko. Amoy pa lang alam ko na hindi ikaw ang nobya ko. Ano’ng ginawa mo kay Josette?” “Wala. Wala akong ginawa sa kaniya. Tinulongan ko pa nga. Kusa siyang sumama kay Papa. Ano’ng magagawa ko? Naisip ko lang maaring ako ang pumalit sa puwesto niya. Eh, kaso. . . bakit ba ang talas ng pandama mo, Noah?” “Inuulit ko. Nasaan si Josette?!” “Sinabi ko na ‘di ba? Kasama ni Papa,” sagot nitong tila si