Kabanata 74: KASABWAT

1398 Words

HINANAP NI NOAH si Josie kung saan-saan. Nalibot na nila ni Manolito ang buong Osaka ngunit hindi nila ito matagpuan. Halos mabaliw naman si Emma kung ano’ng gagawin upang mahanap ang anak. Pakiramdam niya may taglay na sumpa ang kaniyang mga anak. Natagpuan niya si Jewelle ngunit naglaho naman si Josette. Pinakalat na ni Norberto ang lahat ng kasapi sa Red Phoenix. Humingi na rin siya ng tulong sa ahensya. Subalit lumipas ang isang linggo wala silang Josie na natagpuan. Walang bakas. Walang bangkay. Walang makapagtuturo kung saan nagpunta o may dumukot kay Josie. Nagiimpake na si Noah ng kanilang kagamitan ni Ethan ng pumasok si Manolito sa kaniyang silid. ”Kasalanan mo kung bakit naglaho ang kapatid ko!” pagalit na turan ni Manolito. “Kasalanan ko? Kasalanan ko ba nagustong-gusto ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD