SA HULI NASUNOD pa rin ang kagustohan ni Norberto na sa bahay niya na manirahan ang anak at ang tinuring na pamilya nito. Nang makarating sa mansyon ng mga Echeverria sa Forbes Park, na mangha si Noah sa kagandahan nito. Magara ang mansyon mula sa bungad hanggang sa loob nito. Ang mga muwebles ay lahat gawa sa narra at mayro’n gintong palamuti ang mga ‘yon. Bagaman moderno ang kagamitan. Gawa naman sa kapiz ang bintana at bahay Kastila ang istilo nito. May paikot na hagdan patungo sa ikalawa at ikatlong palapag. Kapansin-pansin ang magarang kristal at perlas na chandelier sa gitna ng bahay. Malapit iyon sa hagdan ng ikaliwang palapag. Mayro’n napakalaking kuwadro ang mga magulang nito sa tig-kabilaan ng hagdan at isang nakapintang kuwadro ng kaniyang pamilya sa may salas. May kapatid p