NAKIPAGSUKATAN NG TINGIN si Noah sa ama. Hindi rin siya makakatulog na may bumabagabag sa kaniyang kalooban. “Limang minuto, Papa. Pakiusap sagutin mo ang aking mga katanungan.Ako’y naguguluhan na.” “Anak, walang kaugnayan sayo si Serafina. Kung mayro’n man noon. Wala na ngayon,” balisang sagot nito. ”Pumanaw na si Serafina. Iyon ang dahilang ng paguwi sa Dumaguete ni Emma. Babawiin niya ang kayamanang naiwan ng kaniyang Papa para sa kaniya.” “Kung ganoon hindi na kailangang manilbihan ni Nanay Emma sa atin, Papa?” “Kailanman. Hindi ko tinuring na kasambahay si Emma at Josie. Hindi sila katulong sa bahay ko, Noah.” “Eh, bakit naninilbihan si Nanay Emma, Papa?” “Kagustohan niya ang manilbihan. Kinasanayan niya na mula pa noong kami’y nasa Dumaguete pa.” “Maiba ako, Papa. Kung walang