PAGPUPULONG NG GRUPO. Isang grupo na tinaguriang kilala sa Tondo. Grupo na pilit man nilang barkada takasan ay para itong dugong nananalaytay sa kanilang magkakaibigan. Kasapi sina Manolito, Leandro, Octavio at Noah sa Sigue Sigue Sputnik gang.
Sabay-sabay silang barkada na sumapi roon dahil ang inakala nila ay kapaki-pakinabang kung kasama sa pangkat na kinatatakutan ng lahat sa Tondo. Lahat sila ay may tattoo na SSS sa katawan. Iyon ay simbolo ng kapatiran at katapatan ng Sputnik.
Ngunit hindi na aktibo si Noah mula ng magkaanak. Umiwas na ito sa mga riot para na rin sa ikatatahimik ng loob ng kaniyang Imang.
“Pupuntahan ko si Leandro matapos ko rito. Balitaan kita.”
“Si Noah pala. Kumusta na? Aba’y ‘di na nasama sa pangkat simula ng mag-kaanak.”
“Hayaan na muna natin siya. Kay hirap ng pinagdaraanan niya. May sakit ang kaniyang Imang at tatlong taon pa lamang ang kaniyang anak.”
“Nasaan ba ang ina ng bata?”
NATIGILAN SI MANOLITO sa tanong ng kaibigan. Isa rin si Octavio Flores sa tropa nila. Katulad ni Leandro, si Tavio ay may kaya rin sa buhay. Bagaman sa grupo lamang nila ito nakilala. Naging magbabarkada silang apat mula pa haiskul. Si Noah lang ang tumalikod sa gawain nilang magbabarkada.
“Bakit wala ka sa kaarawan ni Leandro?” pag-iiba ni Manolito ng usapan.
“May inutos si Erpat kakarating ko lang galing Bicol. Mabuti naabotan mo ‘ko rito.”
“Mabuti nga naabotan kita. Kailangan ko maidispatya ang mga ‘yan. Mauna na ko, Tavio,” paalam ni Manolito sa kaibigan.
“Ikumusta mo ako kay Noah.”
Tango lang isinagot niya rito. Dinaan niya naman si Leandro sa Binondo bago umuwi sa Tondo. Pagkarating sa mansion ng Verdadero ay nagkalat ang mga parak sa bahay nito. Linapitan siya agad ni Aling Martha kasunod si Aling Lagring.
“Manolito, ano bang nangyari?”
“Ano hong nangyari, Aling Martha? Bakit sandamukal ang parak dito?”
“Pinagbibintagan si Leandro na pumuslang kay Arlene. Iyong dalagang pumunta rito kahapon. Nakita mo siya ‘di ba?”
“Pumaslang? Sino ho ba si Arlene?” pagmamang-maangan tanong niya kay Martha.
“Hindi ba kasintahan iyon ni senyorito? Aba’y nakita kong labas masok sa kuwarto kahapon.“
“Hindi ko ho kilala,” pagkakaila niyang muli.
Tinalikuran ni Manolito ang dalawang kasambahay at tinungo ang silid kung saan naririnig niya ang dumadagondong na boses ng ama ni Leandro. Sa loob ng silid ay malulutong na mura ang namutawi at malakas na tangis ng senyora. Nagpapalitan ng sigawan si Leandro at Fausto habang nakasandal paupo si Manolito sa may pintuan ng silid-aklatan ng mga Verdadero.
“Tonto!” malutong na mura ni Don Fausto.”Matapos iyong puta sa Pegasus ito naman? Sino ba ang babaeng iyon? Aba’y hindi mo man lang siya pinakilala sa amin.”
“Bakit ko ipapakilala sainyo, Daddy? Si Paloma nga na lumaking kasa-kasama ko ay ayaw ninyo para sa akin. Si Arlene pa kaya na nakilala ko lamang kahapon?”
“Sa ikabubuti ng karera mo sa pulitiko kaya namin hinadlangan ang pagiibigan ninyo ng kasintahan mo. Leandro, binigyan namin siya ng pagkakataon. Hindi ba’t pinayagan ka naman namin pakasalan siya? Ang sabi mo ay nagalaw mo na hindi maaring hindi mo pakasalan. Hijo, hinahangaan ko ang respeto mo sa dalagang iyon. Ngunit ano? Hindi ba’t mas pinili niya ang magpakaputa?”
“Daddy, pakiusap. Tama na. Huwag ninyo naman lapastanganin ang pagkatao ni Paloma. Mahal ko siya. Hindi siya bayaran. Mananayaw lamang siya sa club.”
“Que se hoda mananayaw o serbedora! Sa bahay-aliwan pa rin niya pinaparada ang katawan niya walang pinagkaiba iyon, Leandro.”
“ Tumutol man kayo. Nagkabalikan na kami. Isasama ko na siya sa Laguna. Hindi ba’t iyon naman ang kagustohan ninyo?”
“Iyon pala ang balak mo. Eh, ano iyong Arlene? Pangpalipas libog, Leandro? Libog na lang sana pina—“
“Hindi ako ang pumaslang sa kaniya!” sigaw nito sa ama.”Mali ang hinala ninyo. Malinis ang konsensya ko. Hindi ko magagawang dungisan ang kamay ko lalo na sa anak ni Supremo.”
“Hijo de perra!”
“Tama na Fausto,” pagaawat ng ina ni Leandro.
“Malparido! Sunod-sunod ang pagmumura ni Don Fausto.
“Tarantado itong anak mo!”
“Anak natin.”
”Eres estupido, Leandro! Bakit hindi mo man lang naisip na pinain ni Supremo ang anak niya para sirain ka? Sirain tayo!”
“Patawad. Patawad. Ayokong makulong, Daddy. Paano si Paloma?”
“Esa puta? Wala akong pakialam sa nobya mo. Gumawa ka ng paraan.”
“Daddy . . .” pagmamakaawa ni Leandro.”Mommy, please. Help me.”
Iyon ang huling usapang narinig ni Manolito bago ito natumba sa sahig matapos biglang buksan ni Don Fausto ang pintuan.
“’Tol!” bati niya kay Leandro na iginawad ang mga kamay sa kaniya para tulongan siyang makatayo.
Hinila siya ng kaibigan papasok sa silid-aklatan at sinara ang pintuan. Dinulog naman ni Don Fausto ang mga pulis. Dahil maimpluwensiya ito ay hindi nagawang dalhin si Leandro sa presinto. Iginiit nito na ilegal ang pag-aresto sa kaniyang anak dahil wala namang ebidensya na nagpapatunay na si Leandro ang pumaslang kay Arlene.
* * *
SA SILID AKLATAN maluha-luhang napasabunot sa ulo si Leandro sa sarili.
“Nakita mo ba si Paloma?” panimulang tanong nito.
“Bakit Leandro?”
“Nagaalala ako,” sagot nito na pinahid ang luhang pumatak sa mga mata.
Kapagkuwan ay sinandal ang sarili sa may mesa.
“Nagpaiwan siya rito kagabi. Hindi ba kayo nagkita? Magpapaalam dapat sayo. Hindi ba’t dapat ikaw ang may alam kung nasaan ang kaibigan ko?”
“Anong ginagawa mo rito, Lito?” pag-balik na tanong nito upang ibahin ang usapan.”Madadamay ka lang. Umalis ka na! Iligtas mo si Paloma.”
“Leandro, sabi niya sa akin wala kang alam.”
“Nakita ko ang lahat. Binalikan ko si Paloma sakay ng bagong itim na kotse ni Daddy. Hindi ko man lang nagawang tulongan siya.Nag-aalala ako para sa kaniya, Lito.”
“Bakit hindi mo tinulongan?” mapanghusgang tanong ni Manolito.
“Paano? May mga kasamahan si Arlene sa paligid. Namataan ko sila kaya hindi na ako bumababa pa. Nakahandusay na si Arlene ng iwan ko si Paloma.”
“Maraming sugat si Paloma. Tinarakan ng lanseta sa dibdib buti’y hindi malalim.”
“Sa dibdib? Sa s**o?” gulat na tanong nito.”Sa puso?”
“Oo sa dibdib. Tangina ka! Pasalamat ka ligtas na si Paloma at hindi puso ang tinarakan. Sinabi ko sayo ‘wag mo siyang sasaktan o gumawa ng kahit anong ikapapahamak niya. Anong ginawa mo? Binalaan na kita. Huwag na ‘wag kang didikit kay Senyorita, Leandro. Bakit ba kasi—“
“Wala akong matandaan, Lito. Nagising ako wala na akong saplot sa katawan at nakaibabaw na sa akin si Arlene habang libog na libog itong umuulos. Nakita kami ni Paloma sa ganoong istado. Sinugod kami nito. Pinagsasabunatan at sapak ni Paloma si Arlene. Pinanood ko lang sila habang nagtatalo para akong nahipnotismo. Matapos ay pinapili ako ni Arlene na para bang kasintahan ko siya. Pinili ko si Paloma. Ngunit iniwan niya ako. Sinundan ko siya. Nang mahimasmasan ako pareho kaming walang saplot,” paliwanag nito at hinalamos na naman ang mga kamay sa mukha.”Lito, sa palagay ko . . . “ bumuntong hininga ito at iniyuko ang ulo. Kapagkuwan ay sumontok sa pader,” ang gago gago ko! Ginahas ko yata si Paloma. Sa kaniya ako nakagawa ng krimen hindi kay Arlene.”
“Hayop ka! Akala ko ba mahal mo siya?” malutong na magkakasunod na suntok ang pinakawalan ni Manolito sa kaibigan. Bumulagta sa sahig si Leandro. Tumama muna ang ulo nito sa mesa bago nauntog sa marmol na sahig.
“Lito, makinig ka. Ipadoktor man ninyo ako ngayon. Wala ako sa katinuan kagabi. Malamang ako’y na droga. Hindi ko alam kung anong pinainom sa akin ni Arlene. Naging mabangis akong hayop. Para akong demonyo. Diablo. Ni hindi ko mapatawad ang sarili ko sa ginawa ko kay Paloma. Kumusta na siya?”
Galit ba sa akin? Kinasusuklamanan niya na ba ako?”
Magkakasunod na tanong nito habang nahihilong pilit tumayo sa pagkakatumba. Putok ang labi ni Leandro at namamaga na ang kaliwang mata nito. May konting putok rin ang kanang kilay nito.
“Wala kang pinagkaiba sa tatay niya, Leandro! Ikaw pa man din ang iniirog ni Paloma!”