ANG NORTH DIGITAL innovations, NDI, ay pag-aari ni Norberto “North” Echeverria. Ang dating matalik na kaibigan at kasosyo sa negosyo ni Dixson Samañiego. Dahil na rin sa tulong ni Norberto kaya naitayo niya ang SamTel subalit isang alitan ng nakaraan ang bumuwag sa kanilang samahan. Binawi lahat ni North ang pinamuhunan nito sa dating North Dixson Telecoms or NDT sa Amerika mahigit dalawampu’t taon na ang nakalilipas. Binuo itong muli ni Dixson ay bininyagan ng bagong pangalan. Namayagpag naman ang kaniyang kumpanya hanggang sa unti-unting nagsilabasan ang matitinding kompetisyon sa merkado.Kailangan ni Dixson ng makabagong imbesyon na mailalabas sa merkado iyong magpapatanyag sa kaniyang muli. Kinabahan si Dixson sa naging reaksyon ni Noah. Inakala niya na bagito lang ito at kayang n