Kabanata 68: DALANDAN

1949 Words

IKINUWENTO NI JOSIE kay Manolito ang lahat na nangyari habang nasa daan sila pupunta sa akademya. Ang kapatid mismo ang nagmamaneho ng sasakyan kasunod ang mga tauhan nito. Habang si Noah naman ay hindi pa rin mapakali sa mahimbing na pagkakatulog ni Ethan. Nang makarating sila sa akademya. Manghang-mangha si Josie loob ng apat na sulok na pader. “Mahal, tingnan mo. Tila kay gandang maglakad rito sa hapon,” ani Josie. “Mahal?” sinulyapan nito si Noah.“’Tol, nobya mo na ba ang katapid ko?” tanong ni Manolito. “Katipan. Ikakasal na kami sa makalawa,” sagot ni Noah. “Ikakasal? Sa makalawa?” “Kuya Lito ang tagal mong nawala,” ani Josie.”Bigla ka na lamang naglaho.” “Nangako ka sa akin,” ani Manolito. “Tinupad ko ang aking pangako kuya,” wika ni Josie. “Sana nga Donalinda. Sa pangako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD