Kabanata 52: KAARAWAN

1189 Words

DALAWANG ORAS ANG nakalipas. Nagsiuwian na ang mga inibentang mga kaklase ni Josie sa eskuwela. Tanging si Norberto, Noah, Ethan, at mga kasamabahay ang nasa mansyon. Nakabusangot na si Josie at kahit anong gawing patawa ni Noah ay hindi nito magawang mapangiti ang kasintahan. “Mahal darating si Nanay Emma. Ngiti ka na. Kaarawan mo dapat masaya ka,” ani Noah. “Paano ako magiging masaya? Wala pa nga si Nanay,” ani Josie. Matapos ay sinipa-sipa ang damahon sa hardin. “Mauuna na akong magpahinga sainyo, Noah. Doon muna sa kuwarto ko matutulog si Ethan. Huwag lalabas ng mansyon Noah, Josie,” ani Norberto. Nagtaka si Noah na isasama nito si Ethan sa silid. Isang himala iyon. ‘Doon matutulog si Ethan sa kuwarto ng ama?’ Ayaw na ayaw ni Norberto na may pumapasok sa silid niya maliban kay Emma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD