Kabanata 4: OMINOUS SOLSTICE

1653 Words
HABANG NASA DAAN. Kinausap ni Noah si Manolito. "Kailangan ko ang tulong mo, 'tol." "Anong tulong? Kahit ano.'Wag lang datong,'tol. Salat ako n'yan." "Mangyaring . . . kung sana . . ." "Sana?" Binuksan ni Noah ang sukbit na napsak,”maari mo bang maibenta ang mga 'to?” tanong nito. Tiningnan naman iyon agad ni Manolito,”maliban sa laptop at tablet." "Saan mo nakuha ang mga 'to? Ninakaw mo?" "Mamatay man ako. Magdildil man ako ng asin. Kailanman hindi ako magnanakaw." "Oh, 'di.  . . saan galing ang mga 'yan?" "Ang mandurogas na si Simon hindi ako binayaran! Eh, nagkahulian kanina. May mga parak. Hinakblot ko sa kaniya.” “Tigasin ka talaga, ‘tol!” “Baka lang may kakilala ka na maaring magbenta ng mga ito. Kahit hating kapatid na ang partida. Kailangan na kailangan ko ang malaking halaga. Pakiusap, Lito." "Oh, siya. Akin na ang mga 'yan. Bukas timbrehan kita." “Maraming salamat.” "‘Tol, itong pagkain ni Lola Selma at Ethan.” Inabot ni Manolito ang plastic bag na may lamang ng ilang pirasong baonan na puno ng pagkain. “Dito na ‘ko. Paano bukas na lang.” Tumango lang siya at naghiwalay na ang magkaibigan. Sa kabilang iskinita pa ang barong-barong nila. * * * Makalipas ang kalahating oras . . . NILAPAG NI NOAH ang dalang pagkain sa mesa pagkarating sa bahay. Pagkuwan ay binuksan ang kompyuter. Pinaglumaan iyon ni Leandro. Nagsimula itong magtipa sa teklado. Maya-maya ay hindi niya napigilang mapasigaw sa kagalakan. "Yes! Sa wakas. Natapos rin kita!" Abot tenga ang ngiti ni Noah, contact lens na lamang ang kulang. Kapag nabenta ng kaibigan ang mga gadyet may sapat na siyang perang pangpapagawa ng lens. Sa Japan pa iyon maaring bilhin. Mayr'on siyang pagkukunan. Kailangan lamang nito ng bayad. Sa hirap ng buhay at mapanghusgang lipunan. Ginusto ni Noah magkaroon ng lugar kung saan malaya niyang magagawa kung ano man naising gawin. Iyong malaya siya. Walang maghuhusga. Walang manlalait. Lahat ay pantay-pantay. Isang uri ng mundo na kailanman ay hindi magiging reyalidad sa tunay na lipunan. Naisipan niyang isakatuparan iyon sa pamamagitan ng paggawa ng laro na maaring dalhin ang mga katimpalak sa ibang kapanahunan. Isang imahinasyon ng perpektong mundo na may apat na demensyon. Nag-sisimula pa lamang ang makabagong sensya ng video games ng mahilig si Noah rito. Matapos maging bihasa sa laro ng Computer Space at Odyssey. Nagkaroon siya ng idea kung paano niya i-program ang kaniyang sariling video game na tinawag niyang Ominous Solstice. Ominous ibig sabihin ay masamang pangitain at Solstice ang kalayuan ng araw sa kalahati ng mundo. Ominous ay ang pagbabadya ng masamang karanasan na kayang sagupain o pigilan sa pamamagitan ng mekanika ng laro. Hinati ni Noah ang laro sa apat na bahagi na nagsisimbulo ng apat na demensyon ng mundo. Una ang aequipondium — balanse. Pangalawa, momentum— ang galaw ng manlalaro. Pangatlo, imperium-  ang pagkakaroon ng dominasyon at kapangyarihan at ang pang-apat, quantum— ang pangwakas na parte kung saan makikidigma sa ibang manlalaro upang mapasok ang universum. Ang lahat na bahagi ng laro ay maaring ma-access sa pamamagitan ng paggawa ng avatar. Isang representasyon ng pagkatao ng manlalaro na gawa sa kathang-isip lamang gamit ang contact lens. Sa bawat bahagi ng laro ay may lihim na susi na may kaakibat na mahika. Kailangan makumpleto ng kalahok ang apat na susi upang mabuksan ang lihim na lagusan. Ang manlalaro ay kailangan may sapat na husay,kagalingan at kasanayan sa mga pagsubok upang makakolekta ng ginto at pilak na barya (gold and silver coins). Iyon ang gagamitin upang makabili ng kagamitang pandigma at mga ari-arian. Ang sino mang manlalaro ang mas maraming makolektang ginto at pilak na barya ay mangunguna sa scoreboard. Kung saan magkakaroon ng pagkakataon makapasok sa universum consimilis— ang makabagong mundo. Taglay ng apat na susi ang makapangyarihang mahika na maaring makapagbago ng kapalaran ng manlalaro. Ang bawat lumahok sa Ominous Solstice ay maaaring pumili kung anumang  pagkatao ang gugustohin nitong maging sa universum. Ngunit hindi iyon basta makakamit lamang. Kailangan talunin ng manlalaro ang mga masasamang elemento at sakupin ang kaharian ng ibang kalahok. Doon lamang magkakaroon ng pagkakataon ang manlaro na makakuha ng sapat na kapangyarihan. Determinado si Noah na maging matagumpay ang kaniyang imbesyon. Ito ang maging kauna-unahang virtual video game sa buong mundo. Ngunit walang siyang sapat na salapi o koneksyon upang maiskatuparan ang pangarap. Kailangan niya ng isang malaking kumpanya upang mailabas ito sa merkado. Habang binubusising muli ang gawa. Nagising naman ang tatlong taong gulang n’yang anak. Ang anak niya kay Molly. Nakilala niya si Molly dahil kay Leandro, ang pinsan nito. Isang dalagitang bakasyonista galing Estados Unidos. Ni hindi ito marunong mag-salita ng Tagalog ng makadaupang palad ni Noah. Nakapisan ito sa bahay ng kaibigan niya kung saan naninilbihan bilang kasambahay ang kaniyang Imang.  Labing walong taon lamang siya ng maging isang binatang ama. Halos isang taon rin nanirahan si Molly sa mga Verdadero. Naging malapit ito sa kaniya. Hindi inasahan ni Noah na mahuhulog ang loob ng dalaga sa kaniya. Minsa'y nagkatuwaan sila at nag-inuman magkakaibigan sa kaarawan ni Leandro. Sa Laguna iyon nangyari sa bahay bakasyonan ng mga Verdadero. Magkasintahan pa noon si Paloma at Leandro. Lahat sila ay lasing na lasing ng gabing iyon. Sa sobrang kalanguan sa alak may nangyari kina Noah at Molly. Nagbunga ang isang gabing p********k si Ethan. Hindi inaasahan ni Noah na basta na lamang maglalaho si Molly sa kabila ng paniniwala niya na mahal siya nito. Matapos makapanganak ay iniwan nito si Ethan at hindi na nagpakitang muli. Pinagsabay ni Noah ang pag-aaral at pag-aalaga sa anak katulong ang kaniyang kaibigang si Paloma at kaniyang Imang. Sa kabila ng paghihirap hindi natukso si Noah na-ibigay sa mga Verdadero si Ethan. Sinikap ni Noah na itaguyod ito salat man sa mararangyang bagay tinumbasan niya iyon ng pagaaruga at pagmamahal. Si Ethan ang hinuhugotan ng lakas ni Noah upang maisakatuparan ang mga pangarap. * * * LUMAPIT SI ETHAN sa kaniyang ama at hinila-hila ang mangas ng damit nito. "Papa, gutom na po ako," ani Ethan. Kinarga naman agad ni Noah ang anak at kinalong habang tinatapos ang ginagawa sa kompyuter. "Anong gusto mong kainin, anak?" "Ish-pa-ye-ti po," sagot nito. Alam na alam ni Leandro ang paborito ng kaniyang anak. Marahil ay inutusan nito si Martha na ipagbalot si Ethan ng spaghetti, cake, hotdog at barbeque. "Wow! Da-dami, Papa," tuwang – tuwang wika ni Ethan habang lumilitaw ang mumunting ngiti nito sa labi. "Mas marami pa anak kapag naging matagumpay ang Ominous Solstice." Isang busilak na ngiti at thumbs up ang iginawad nito kay Noah. Matapos ay inangat ang nakatikom na kamay at nakipag-fist bump sa ama. High Five. Fist Bump. Finger Wiggles. Iyon ang batian nilang magtatay sa tuwina. “Papa, robot.” “Pangako, igagawa kita ng kakaibang robot kapag nakapagtrabaho na si Papa sa mga Samañiego. Malapit na malapit na anak.”             Pinagmasdan ni Noah ang mababaw na kagalakan ng anak sa paborito nitong pagkain. Kung sana ay malaki ang kita niya sa sideline ay mabibilhan niya ng laruan ang anak. May mga laruan naman ito ngunit lahat ng iyon ay galing kay Leandro. Hindi niya pa nabibilhan kailanman ang anak ng mamahaling laruan. “Lahat gagawin ko para sayo, Ethan,” wika ni  Noah habang sinusubuan itong ng spaghetti.Hawak ni Ethan ang isang tuhog ng hotdog na may marshmallows sa kanang kamay at pork barbeque naman sa kaliwa. “Dahan-dahan, anak,” pagsasayaw nito kay Ethan na salitan ang pagsubo ng pagkain na halos hindi na nito nguyain. “Tsalap-tsalap, Papa.” Pinagmasdan pa ni Noah ang anak habang kumakain ito. May kislap sa mga mata. Kahawig ni Molly si Ethan, kakakulay ang mga mata at buhok sa ina maging ang hugis ng malapusong labi nito at mukha. Nakuha naman ng anak sa kaniya ang tangos ng kaniyang ilong, ang malalantik niyang pilikmata at katangkaran. Hindi maiwasan ni Noah na malungkot para sa anak. Magkaparehas sila ng kapalaran. Hindi nila nasilayan ang kanilang ina. Ang pinagkaiba lang si Ethan may tatay. Siya naman walang kilala ni isa sa mga magulang niya. Hindi niya na inusisa ang kaniyang Imang dahil sa baka ito’y madamdam kung uungkatin niya ang kaniyang pagkatao. ”Mapapangako ko sayo, Ethan. Hanggang sa pagtanda mo. Kaagapay mo ko. Wala man ang iyong ina. Pupunuin ko ang kulang ng higit pa sa sapat,anak.” Tila ba naintindihan nito ang sinabi niya dahil ipinulupot nito ang kaniyang mga braso sa kaniyang leeg para yakapin siya at maya-maya ay hinagkan siya sa kanang pisngi. “Lab-lab, Papa Ethan,” anito. ‘Mahal niya ang kaniyang ama.’ Sinuklian rin ito ni Noah ng halik na nagpahalakhak ng todo sa anak. “Madaling-araw na.Taposin mo na iyang kinakain mo. Matutulog na tayo, anak.” “Mama-ninang?” Kunot-noong tanong nito. Ilang araw na rin na hindi nagagawi si Paloma sa kanila. Maliban lamang kaninang umaga dahil nakisuyo siyang silipin nito ang kaniyang Imang at anak. “Kasama ang Tito Ninong mo. Bakit anak na-mis mo na ba si Paloma?”             Tumango lang ito at patuloy na kumain. Hinagod ni Noah ang kulot na buhok ni Ethan. Kagaya iyon ng kay Molly. Nasaan ka na ba Molly? Ni hindi ko man lang alam ang tunay mong pagkatao. Paano ako magpapaliwag kay Ethan kapag nagsimula na siyang magtanong? Bakit bigla ka na lamang naglaho? “Susunduin ka ng Tito Ninong mo. Magpapakabait ka sakanila.”             Tumango itong muli na puno ng pagkain ang bibig. Matalino si Ethan kahit hindi ito makapagsalita ng maayos. Si Ethan ang munting anghel na inspirasyon ni Noah sa nakalipas na tatlong-taon. Gagawin niya ang lahat mabigyan lamang ito ng magandang buhay. Iyong hindi salat sa lahat ng bagay. Ayaw ni Noah maranasan ni Ethan ang pinagdaanan niyang hirap. Hindi madaling makibaka at makipagsapalaran sa buhay lalo na’t isa siyang dukha na tanging talino at talento ang panglaban. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD