CHAPTER 38 Months passed… Lilianna Felix’s POV Makalipas ang ilang buwan, halos hindi ko na makita ang mga paa ko dahil ang laki nga talaga ng tiyan ko at ‘nung pinatingin na namin kung ano ang gender ng anak ko, isa ‘tong malaking good news kay Don. Dexter dahil baby girl ang magiging apo nila pero hindi pa namin sinabi sa kanila sa loob ng ilang buwan dahil ‘nung nakaraan lang sila nakauwi galing London at ‘dun talaga sila namalagi. Kahit gusto nilang makauwi agad, masyado daw silang hinigpitan kaya tumagal din ng ilang buwan. November 16 ngayon at inaasahang itong buwan na ‘to ang due date ko kaya mas nagiingat naman sakin si Spencer na halos hindi na siya makapunta sa building niya dahil mas gusto daw niyang bantayan ako. Tungkol naman kay Julius na kaibigan ko, pumupunta siya d