CHAPTER 24 Lilianna Felix's POV Napapikit ako ng mariin nang yakapin ako ng hindi ko kilalang lalake dahil bahagya ko lang ginalaw ang katawan ko para makaalis na dito pero mas lalo pa niyang hinigpitan kaya hindi ko natuloy ang balak kong tumakas. Nakayakap siya sakin sa likuran ko habang nakakapit siya ng mahigpit sakin kaya ramdam na ramdam ko ang t***k ng puso ko dahil ako mismo ang kinakabahan sa ginagawa ko. "Don't even think about it Lilianna." Madiing saad niya na mas lalo pa yata niyang dinikit ang katawan niya sakin kaya pumakawala ako ng buntong hininga dahil gising pala siya. Bigla tuloy sumagi sa isip ko si Spencer na parang nangyari na din 'to samin. Pero nagaalala kaya siya sakin? Paano nalang kung malaman ni Farah na wala na ako sa puder ni Spencer? Siguradong ikakatuw