CHAPTER 16 Lilianna Felix’s POV “It’s impossible.” Matigas na saad ni Spencer habang napansin kong nakangisi siya ngayon ng peke habang nakatitig lang sa Center Table dahil halata namang ang daming sumasagi sa isip niya ngayon pero mas lalo na ako. “H-How about… me?” Napatingin naman ako sa tanong ni Farah habang halatang namumula ang mga mata niya sa kakaiyak. “We don’t care about you and please leave. I don’t want to see you again.” Malamig na wika ni Madame Shanine kaya yumuko nanaman si Farah at naririnig kong umiiyak nanaman. Dapat nga ako ang umiiyak dito ngayon dahil hindi hamak ang pinagdaanan ko kaysa sa kaniya. Gaano ba kahirap ang pagdadaanan niya? Mawawalay lang naman siya sa minamahal niyang lalake at ako, magdudusa sa kamay ng isang demonyo. Kung pwede sanang magpalit k