Kabanata 32 KINABUKASAN na sila nakauwi. Nang gumising si Amary ay wala na si Chaos sa tabi niya. Maaga raw iyon sa opisina na pumunta. Siguro ay napakarami na no'n nakatambak na trabaho sa isang araw na hindi iyon doon nakapunta. Hindi rin pala talaga madali na maging mayaman. Hindi parating hihiga lang sa pera. Kailangan din talagang kumilos para mapanatili ang ganda ng estado. Akala niya noong kumakalkal sila ng basura ay hindi mahirap maging mayaman. May pagkakapareho rin pala iyon sa mga tulad nila na pobre. Kailangan na kumayod. Lumabas siya at pinuntahan sina Picolo para alukin na mag-almusal pero mukhang papaalis ang dalawa. "S-Saan kayo pupunta?" Tanong niya sa mga kaibigan. Bakit hindi niyo suot iyong mga bagong bili kong damit?" "Madudumihan 'yon, sayang. Bisitahin namin a

