Kabanata 25 CONCENTRATION left him since Norman told him that there was really a man waiting. Kahit na anong dutdot niya sa laptop ay walang nagbabago. Lumilipad pa rin ang kanyang isip. May sumasagi sa kanya na sana ay sumama siya, tapos ay tinatanong niya ang sarili kung bakit. Ngayon, nakatayo siya sa may binata at nag-aabang ng pagdating ng asawa niya, at agad niyang naisara iyon at initsa ang sigarilyo nang makita niya ang headlights ng sasakyan. Bumaba siya. Nagsalubong ang mga kilay ni Chaos nang sumilip sa bintana ng sasakyan. Nakikita niya si Amary na natutulog kasama si Watusi sa backseat. Si Picolo ay tulog din sa unahan. "Is she drunk?" Kunot noo na tanong niya kay Norman na nakahanda ang payong. "Hindi, boss. Hindi naman umiinom. Nakatulog lang dahil antok na siguro." T