Kabanata 47 MATAPOS na parang mayanig ang mundo ni Amary, namalayan na lang niya na siya ay nasa may pinto na ng isang malaking bodega. It was made of cement. Parang imbakan iyon ng kung ano, basta malaki. "Baba!" Mabalasik na utos sa kanya ni Noy, at wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod. "Huwag kang magkakamali, masasapak kita ulit," banta nito kaya nanahimik siya. Hawak nito ang kanyang smartphone, at sa kabila ay nakaipit ang sigarilyo. "Ganda ng cellphone mo a! Paarbor!" Anito at ngali-ngali niyang tadyakan, pero ayaw niyang masaktan. Baka kapag ngayon siya nanlaban, wala na siyang matirang anumang lakas pa mamaya. Paano kung kailangan niya? Na alam niyang talagang kailangan niya. "Sumunod ka sa akin," utos pa ni Noy sa kanya. Ganoon ang kanyang ginawa. Tahimik siyang nagl

