Kabanata 23 PARANG ayaw ni Amary na bumangon sa higaan kinabukasan pero ginising siya ng kanyang nag-iingay na smartphone sa ibabaw ng mesita. Pikit ang mga mata ay kinapa niya ang bedside table pero papel ang kanyang nakapa. Agad siyang napakunot-noo kahit na nakapikit, hanggang sa hindi siya makatiis ay nagmulat siya ng mga mata. Tiningala niya ang bedside table. She saw money. Yay! Napangisi siya at agad na bumangon. Parang nawala ang lahat ng pagod niya dahil nakakita siya ng bayad. Kinuha niya kaagad iyon pero bukod doon ay may nakita siyang kwintas sa may gilid ng kama. Kwintas iyon ni Chaos. She looked at it. Putol iyon sa may lock kaya kinuha niya at nailing siya. Nakaiwan na naman ng gamit ang asawa niya. She just put it on the table and count her money. 5k! Agad siyang humag