Sky "Tumahan ka na, please. Sasabihin ko din sa'yo sa tamang panahon," nahihirapang sabi ko. Ibinalik ko ang tingin sa kalsada nang di ko na makayanan ang makita siyang patuloy na tumatangis. Malapit na kami sa mansiyon. Buong biyahe ay umiiyak lang siya. Ang mga pagkaing nagbigay ng kasiyahan sa kanya kanina ay hindi na niya nabigyan ng pansin. Kawawa naman ang baby namin, pati siya nadamay sa hindi magandang mood ng kanyang ina. "Bakit hindi mo pa ngayon sabihin? May magbabago ba kung patatagalin mo pang malaman ko kung ano ba talaga ang mga rason mo?" Suminghot siya. "Bakit may pictures ako sa 'yo? Ang painting, sino si JTC? Bakit pakiramdam ko lahat ng iyon ay konektado sa akin?" Napamura ako sa isip. Paano niya nalaman ang tungkol sa picture niyang nakatago sa cabinet na pag-aa

