"Ang pogi talaga ng lalaking iyon." Ani Ria nang makalapit ako sa kinaroroonan niya. Kunot-noo ko naman siyang tinignan, "Sino naman?" "Yung ano.." Napakamot siya sa ulo niya at tila ba may pilit inaalala sa isip niya, "Yung pulis na, asawa yata ni Ma'am Irish." "Ahh.." Napapatangong sabi ko na lang. "Ang swerte ni Ma'am Irish sa pulis na iyon. Ang yummy naman kasi! Di 'ba?!" Ani pa ni Ria na ikinasimangot ko naman. "Ang sungit naman niya. At saka, wala naman akong pakialam sa kanya no. Hindi dapat natin pinag-aaksayahan ng panahon ang pul-" Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin kong napatulala si Ria kasabay ng panginginig ng halos buong katawan niya. Mukha tuloy siyang may epilepsy. "Ria?" Nanginginig naman siyang umiling habang ang tingin ay nasa likod ko. "Ano bang mayroo