"Gising na pala si Quinn Maya! Hi birthday girl!" Agad akong napalingon nang sa aking likuran nang magsalita si Allan. Nakita ko ang batang babae na nagkukusot pa ng kanyang mata. Halata na galing siya sa kanyang pagkatulog. "Hi Uncle..." Nagmano ang batang babae na anak ni Hunter kay Allan at Peter. Hindi ko alam kung bakit todo ako kung makatitig kay Quinn. Pakiramdam ko ba ay matagal ko na siyang kakilala at para bang sa oras na ito ay kay sarap niyang yakapin. Nakita ko naman si Hunter na pumunta sa isang sulok habang kunot noong tinitignan ang cellphone niya. Siguro ay may nagtext sa kanya. "Hi Quinn..." Napangiti ako nang lumingon naman sa akin ang bata, agad ko siyang niyakap. "Happy birthday... How's your day?" "Hmmm... Daddy talk alot about you. I think he likes you. You lo