Dinala sa isang pribadong hospital ang mga kaibigan ko. Malala ang lagay nila lalo na ni Allan na nagtamo ng malalim na sugat na dulot ng tumamang bala ng baril sa kanya. Si Peter naman ay hindi rin maganda ang lagay dahil sa matinding bugbog na natamo niya. Sina Charlene at Marian naman ay kaninang umaga lan nagising. Hindi pa makausap ng maayod dahil sa trauma nila. Nandito din ang mga magulang nila, at nireport na rin sa pulis ang nangyari pero sabi nila ay iimbestigahan pa rin daw nila ang pangyayari, ako ang tinanong ng mga pulis dahil sa aming mga magkakaibigan ay ako lang ang may malay. Hindi ko naman masabi kung ano ang dahilan dahil bago kami iniwanan ni Senator Del Valle ay binalaan niya akong tutuluyan niyang patayin ang mga kaibigan ko kung sakaling magsumbong ako sa mga puli