Ang Hari ng Angas AiTenshi Part 9 Alas 7 ng hating gabi noong makauwi kami sa bahay, tulad ng inaasahan nasa out of town nanaman si mama at si papa naman ay nasa clinic kaya naman kami lamang dalawa ni Shan ang kumain ng hapunan. Doon ko napag alaman na paborito pala ni Shan ang chicken adobo dahil halos mabilaukan ito sa pag subo. Barakong barako ito kumain, naka taas ang isang paa at magulo ang pag kain sa kanyang plato, hindi kagaya ng sa akin halos wala kang makikitang tapon o mumong nalaglag sa lamesa. "Mas mabuti siguro kung doon ka nalang matulog sa kwarto ko. Malaki naman iyon at king size ang kama. Tayong dalawa lang kasi ang tao dito sa bahay kaya huwag na tayo mag hiwalay ng silid. Alam mo naman ang mga katulong ay parang mantika kung matulog." naisip ko lang kasi na ba