Ang Hari ng Angas AiTenshi Part 23 Kitang kita ng aming dalawang mata kung paano mag laplapan si Luis ang si Carmela habang naka kubli ito sa silong ng botanical garden. Bakas na bakas sa mukha ni Dante ang labis na pag kabigla sa kanyang nasaksihan kaya naman halos matahimik ito at hindi na makapag salita. "Mukha ngang totoo ang dahilan ng pag tiwalag ni Luis sa peace maker club. Mukhang pati siya na lason ng makamandag na kagandahan ni Carmela kaya’t pati ang kanyang paniniwala ay halos mabura na rin ng kanyang pag kahumaling dito." bulong ko sa aking sarili. "Frend sabihin mong hindi totoo ang nakikita ko."ang bulong ni Dante at hanggang ngayon ay hindi pa rin nito matanggap ang nasasaksihan ng kanyang mata. "Tol, totoo ang lahat ng nakikita mo. Nakikipag halikan si Luis kay C