"HEY, son. What's the matter with you? Bakit hindi mo sinasagot ang cellphone mo?" takang tanong ni Janelle sa panganay na anak. "Pagod ako, 'My," simpleng sagot ng binata.(RW) Halata naman talaga kasi itong pagod patunay lamang na nakapikit ito na nakasandal sa kinauupang sofa. Kung tutuusin naman kasi ay kadarating lamang nito mula sa business trip. Kaya't halos ayaw pa nitong sumagot ng kahit anong tawag lalo na kung tungkol sa trabaho lang din naman. "Hmmm, are you sure of that son? Baka naman pagsisisihan mo iyang salita mo kapag malaman mo kung sino ang caller mo?" saad pa ni Janelle sa anak. In very clever way lalo at nakikinita na ang hitsura ng binatang tumatawag sa panganay na anak. Ang pamangkin ng mahal niyang si Pierce Wesly na walang iba kundi si Khalid Mohammad Abubakar