Few months later... "Aba'h, aba'h, mukhang baliktad ngayon ang mundo, pinsan? Bakit mukhang pasan mo ang mundo?" salubong na tanong ni Reynold Wayne sa pinsan na best friend. "Puwede bang pasukin mo muna ako bago mo ako sermunan. Tsk! Tsk!" tugon pa nito na hindi man lang pinansin ang sinabi niya. Kaya naman ay sinundan niya ito. Siya lang naman kasi ang naiwan sa bahay nila. Dahil ang mag-ina niya ay spoiled na yata sa mga magulang niya. Sila-sila na rin ang nagtungong mall. Actually, dapat naman ay silang lahat. Kaso iyon nga, tumawag ang pinsan niyang paparating ito. "Ahem, hindi ka naman galit sa lagay na iyan, pinsan?" tanong niyang muli. "Hindi ko alam pinsan ngunit nitong mga nakaraang araw ay biglang nagbago ang pakikitungo sa akin ng asawa ko. Not to mention that she doesn't