Dahil sa nasaksihang kalagayan ng bihag nila ay agad itinawag ng magkapatid sa mag-asawang Princess Queennie at Wayne kaya naman hindi naglipat oras ay dumating ang mga ito kasama ang ambulansiya. Hirap din nilang nadala si Lovely dahil sa pagwawala nito. Kung hindi pa nila ito tinurukan ng sedative medicine ay hindi pa ito kumalma. "Ano ang plano ninyo ngayon mga apo? Alam naming siya ang may kasalanan sa pagkamatay ng mga magulang ninyo pero paano n'yo idedemanda ang tulad niyang nabaliw na?" kapagdaka ay tanong ni Lola Queennie kaya naman napatingin si Adel sa nakakatandang kapatid. "Kung ako po ang masusunod Lola kahit siya ang may sala sa sabay na pagkawala ng mga magulang namin ay hindi na kami magdemanda dahil nakarma na po siya. Tama ka po, Lola. Sa depresyong kinakaharap niya ng