"Mahal kita oo dahil kapatid kita. Pero hindi ko hahayaang guluhin mo pa ang buhay ng dalawa. Tama na, Kuya, isipin mo ring nandito ako, may kapatid kang babae na maaring babagsakan ng karma dahil sa ginagawa mo," wika ni Analyn sa kapatid. "No! Akin lang si Antonette! Kami ang magpapakasal hindi ang arabong iyon!" mariing sagot ni Darwin. "Ano ba kuya! Kasasabi ko lang na tama na! Pasalamat ka at hanggang ngayon ay hindi pa nagdedemanda ang pamilya Abubakar samantalang nandito sa bansa ang mga taga-Saudi. Pero kung ipagpipilitan mo ang nais mo ay sige lang, Kuya. Go ahead! Pero hindi mo rin ako mapipigilan na maging star witness laban sa iyo. Parehas lang kayo ng asawa mong baliw! Mga walang kaalaman sa pagpapatawad---" "What you talking---" Ngunit kung pinutol nito ang pananalita ng