"Congratulations, pinsan, hipag. Aba'y akalain mo iyon, ang kambal na identical ngunit magkaiba ng daang tinahak. MM is in PMA for his training and JJ just done with his board examination. He is now certified public accountant." Masayang nakipagkamay at nagbungguan ng balikat sina Reynold Wayne at Khalid. "Tama ang asawa ko, Kuya. Ang mga batang tayong pamilya lang yata nila ang nakakaalam kung sino si JJ at MM. Congratulations, Kuya, Ate," saad din ni Adel. Totoo naman kasi. Naging mabilis ang paglipas ng mga taon. Ang kambal na binansagang pervert arab ay pasado na sa board examination. JJ is now a CPA. 'Tama nga si kambal. Bakit ako lalayo sa bansang Pilipinas samantalang wala naman akong masamang ginagawa? How I wish to be like MM with strong will to oppose them. Pero okay lang dah