KABANATA 48: HINDI binitiwan ni Marco ang kamay ko habang nasa biyahe kami. Nakasunod ang sasakyan ng Mommy niya sa amin. Her mom wants to talk to us. Naroon din pala si Loela sa loob ng sasakyan pero hindi na lang lumabas. "Kung gusto niya tayo makausap ng maayos bakit kailangan niyang iharang sasakyan niya sa daraanan natin? Hindi na lang tayo antayin sa palace?" tanong ko kay Marco. "It was Loela's stupid suggestion," he said annoyingly. Napangiwi ako at hindi na sumagot pa. Hawak kamay kaming bumaba sa sasakyan at inantay na bumaba ang Mommy niya at si Loela mula doon. Mariin ang tikom ng aking bibig. Nagpa-panic ako pero hindi ko lang pinapahalata. Awkward nga ng makita na silang dalawa. Hindi ko alam paano babati pero sinubukan kong ngumiti kaso nagiging ngiwi dahil nag-aalanga