KABANATA 40: HINDI ako nakapagsalita sa sinabi ni Mommy. Naguluhan ako bigla sa pinagsasabi nila. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Kung sasabihin ko ba oo o hindi. I know for sure na si Marco ang reason bakit ganyan ang sinabi nila Mommy. "Totoo ba 'yon? Pero bakit hindi naman malaki ang tiyan mo? At nasaan iyong asawa mo? Narito lang kanina si Marco," sabi ni Mommy at nagpalinga-linga habang nagpupunas ng luha. Hindi ko na rin mahanap si Marco. Mukhang umalis pa yata para pagbigyan kami ng panahon mag-usap ng magulang ko. Kaso anong isasagot ko naman sa kanila kung wala akong alam sa pinagsasabi niya sa kanila. Nabigla ako sa sinabi ni Mommy. "Greta, tell us what really happened, and I want to talk to your husband. Do you really marry him? He's the owner of Romano Cruise lines,