KABANATA 31: TUMAYO ako para magpunas ng sarili. Pinagmasdan ko si Marco na tulog na tulog sa kama kahit na may araw pa. Napansin ko iyong sugat sa kamao niya kanina pero dahil nasa kalagitnaan kami ng pagtatalik hindi ko nagawang itanong sa kanya. Nawala na rin sa isip ko hanggang sa nakatulog na siya. Limang minuto lang tulog na. May ngiti sa labi akong pumasok sa banyo. Bumungad ang mukha kong namumula pa ang pisngi. Nanunumbalik na kasi iyong glow ng mukha ko. Hindi tulad ng unang linggo ko dito. Para akong patay pero buhay. Ngayon sa tuwing maalala ko iyong noon hindi ko na maramdaman iyong fear and anger. Kasi masaya ako sa pananatili ko sa tabi niya. Kailangan ni Marco ang tulad ko. Sa buhay niyang madilim at puro kasamaan. Naniniwala ako na kaya niya pa ring magbago. Na titi