KABANATA 35: TAHIMIK ang buhay namin kahit na lumipas na ang isang buwan mula ng mangyari ang pagtatangka sa buhay ko. Malaya akong nakakagalaw na at unti-unti na kaming okay ni Marco. Sinampal ko ng mahina ang aking magkabilang pisngi. Pulang-pula ang mga iyon dahil sa pagbabad ko kanina sa beach. Hindi sumama si Marco dahil nanunuod siya ng training para sa mga bagong tauhan niya. I was with my bunch of men to guard me, though. Hindi tulad noon, naligo akong naka-rash guard. Ayoko namang may barilin na naman si Marco dahil lang sa naka-swim suit ako. Lumabas ako ng banyo na kinukoskos pa ang buhok. Ayoko na kasing magtagal doon para lang mag-blower. I want to check on Marco since kanina pang umaga no'ng huling kita ko sa kanya. Kaya lang mukhang hindi ko na siya kailangang hanapin dah