KABANATA 19: PANAY lang ang tsaa ko habang inaantay siyang matapos. Limang minuto pa ang tinagal ng interview bago ito tumayo at lumapit sa akin. Nagulat ako na dinukwang niya ako para halikan. Akala ko uupo na siya sa bakanteng silya sa tapat ko. Bigla akong naasiwa at hindi ko alam kung saan ko ipipirmi ang mga mata. "You should have started eating. Baka gutom ka na," aniya at lumayo sa akin para hubarin ang suot nitong coat. Napasulyap ako sa kanya habang tinutupi nito ang dulo ng manggas ng kanyang long sleeves. Napakurap-kurap ako. Bakit apektado ako kahit sa simpleng kilos lang niya. Wala sa sarili akong napasapo sa noo. Napatingin tuloy siya sa akin. "Are you sick?" he asked. I swallowed hard. Maging iyong boses niya na malalim at malaki ay tila may dating na sa akin. Hindi p