KABANATA 45: WE continue our lives without his family. Sa loob ng isang taon maraming nangyari. Nakatapos ako sa kurso ko at tumutulong na ko full time sa negosyo namin. Panay ang attend ko sa seminars and out of town business trip para mas ma-improved ang sarili at maraming matutunan bilang isang business woman. My parents were still with us. Hindi na talaga namin pinauwi sa Pinas. Although, ang issue sa akin ay humupa na. Pero hindi ibig sabihin niyon ay uuwi na. I know na lulutang at iinit ulit iyon sa oras na umuwi kami doon. So far, masaya naman kaming lahat sa desisyon naming manatili sa Italy. Noong pasko at new year ay nasa Paris, France kaming lahat. Nakaka-miss man kung paano i-celebrate sa Pinas ang pasko dahil ibang-iba dito. Masaya pa rin naman ako at sanay na kapag ganiton