KABANATA 11: HINDI maipinta ang mukha ko ng pumasok sa masters bedroom. Naiinitan at naiirita na ko sa suot kong gown. Umalis ako sa reception kasama ang ilang tauhan ni Marco. Pinayagan naman niya ako ng magpaalam pero habilin niyang dito na ko sa Master's bedroom lilipat. Pinasadahan ko ang paligid. Masters bedroom is the largest bedroom naman talaga so expected ko na rin ito. I'm impressed with how elegant the room is. The colors are navy blue, cream, and gray. It was like an interior design sa mga mayayamang bahay sa England. Medyo nakahinga ako ng maluwag na wala ng picture ko doon. More on landscape paintings na ang naroon. Napalingon ako sa pinto ng marinig na ni-lock na iyon. I sighed. Bumaling ako sa harap at naglakad ng kaunti. Inuusisa kung anong mayroon sa kwarto. Tinin