Nagulat pa si Nanay Meling ng makita siya na bumaba ng kotse ng kanyang Ninong. Nasa may garden kasi ito nang kanyang Mommy at nag didilig ng halaman napatingin ito sa kanyang damit at kunot noong napatingin sa kanya, tila nagtatanong ang mga matang nakatuon sa kanya. "Nanay kuhanin ko lang po iyong mga damit ko ha kasi doon muna po ako kina Ninong. Nakaalis na po ba sina Mommy?" tanong niya sa matanda pero hindi agad ito at nakasagot dahil nakatingin ito sa suot suot niyang damit. "Damit po ito ni Ninong Nanay, bale nabuhusan po kasi ako ng sauce doon sa kinainan namin kaya po pinahiram po ako ng t-shirt po ni Ninong," nakangiwing paliwanag niya dito. Pero mababakas sa mukha nito na tila Hindi ito naniniwala sa sinasabi niya. Parang gusto niyang batukan ang sarili dahil wala nga pala

