"Daddyyyy! Dad kooooo..." umiiyak na Sigaw niya nang makita ang kanyang Daddy na palabas na ng airport kasama niya ang kanyang Mommy pati na ang kanyang Ninong Amir Sinundo nila ito sa airport. Nagulat nga siya nang sabihin ng kanyang Mommy na susunduin nila ang kanyang Daddy. Akala niya ay matatagalan pa ito bago umuwi, sabagay halos isang buwan na din ang hinintay niya bago tuluyang nakauwi ito. Pero atleast ngayon ito na ang huling beses na susunduin niya sa airport ito dahil mananatili na ito sa kanilang piling. Sabi ng kanyang Mommy ay pupunta lamang sila sa mall at pinakiusapan lamang nito ang kanyang Ninong Amir na i-pag-drive sila dahil hindi kayang mag-drive ng malayuan ng kanyang Mommy. Iyon pala ay ito na ang araw na darating na ang kanyang Daddy, talagang surprise pa siya ng

