Hindi agad siya nakaimik pagkakita niya dito na nasa loob na ng kulungan, pero aaminin niya na nakaramdam siya ng awa dito at pag-aalala. Ito ang kauna-unahang beses na nangyari ang bagay na ito dito at hindi niya alam kung bakit at kung papaano nangyari pero wala na siyang pakialam doon at wala na siyang balak na alamin pa. Ang ipinunta niya dito ay ang mapalabas ito sa kulungan hindi niya alam kung papaano ang proseso niyon pero nakiusap na lamang siya sa mga pulis kung papaano ba ang gagawin niya. Hindi naman na nangailangan ng malaking halaga, may pinirmahan lamang ang kanyang Ninong dahil wala pa naman palang pormal na kasong isinampa ang biktima na kesyo binugbog daw nito. Sa pinirmahang kasunduan ay nakasaad na ipapatawag mulit ito kapag pormal na nagsampa ng kaso ang lalaking na

