Mahigit isang linggo na ding nasa hospital ang kanyang Ninong Amir salitan sila ng kanyang Mommy sa pagbabantay dito sa hospital. Pumupunta rin araw-araw doon ang Lolo Ramiro niya at Lola Emma niya para dalawin si Amir pero syempre umuwi din agad ang mga ito kaya naman kung hindi siya ang nagbabantay ay ang kanyang Mommy at Daddy. Nagkataong may pasok sa school kaya tuwing hapon na lamang siya nagtutungo doon hanggang gabi sa umaga ang bantay ay ang kanyang Mommy at siyempre ang Daddy niya ay nandoon din. Isang umaga papasok siya sa kanyang kanilang classroom nasalubong niya si Myra at ang grupo nito. Ilang araw na rin siyang ginagambala ng mga ito pero pinagwalang bahala na lamang niya dahil wala pa siyang panahon para harapin ang mga ito. Pero titiyakin niya na mananagot ang babaeng it

