Kunot noong napatingin na lamang si Amir kaya Amaya dahil bakit tila iba ang sinasabi nito sa mga nangyari. "Mommy? Nasaan po tayo? Bakit pati sina lolo at lola nandito, pati po si Ninong Amir? Nasa ospital po ba tayo bakit po may tubo itong ilong ko, tapos may nakalagay dito sa leeg ko tsaka ang sakit ng leeg ko. Hindi ko po siya maigalaw, pati po ang ulo ko sobrang sakit!" Wika ni Amaya na ipinagtaka nila. "Hindi po ba't nasa bahay ako ninyo Ninong? Kumakain po tayo ng dinner di ba? Bakit nandito na po tayo? Saan po ba to, hospital?" tila takang takang tanong nito sa kanya. Kababalik lamang niya dahil tinawag niya ang doktor pero may tinitignan pa itong isang pasyente kaya pinag hihintay lang sila saglit at ito na nga pagbalik niya parang tila wala sa sarili si Amaya. Tila hindi nit

