Ilang sandali lang ay nasa harapan na sila ng bahay ni Faye, doon lang pala ang bahay ng babae minsan ay napapadaan sila doon ng kanyang mga kaibigan pero hindi niya alam na doon pala ang bahay nito. Bumusina ang Ninong niya pero hindi ito lumabas. Nakailang busina pa ang kanyang Ninong pero hindi talaga ito lumalabas kaya naman minabuti na nito na bumaba ng sasakyan at sunduin na lang ang babae, mukhang ayaw yata itong sumama sa kanila. Tiningnan niya sa side mirror ang motor na sumusunod sa kanila pero wala na ito doon kaya ang hinala niya ay tumabi lamang ito doon sa may kanto at mukhang nag-aabang sa pag-alis ulit nila. Ilang sandali lamang ay lumabas na si Ninong Amir niya at hawak hawak nito sa kamay si Faye, animo ayaw talagang sumama nito, sambakol din ang mukha nito at tila nak

