Napalakas yata ang boses niya kaya napadungaw si Amaya. Pero imposible naman na marinig sila nito dahil nakapinid pa rin naman ang bintana nito ang kurtina lang kanina ang nakahawi. Mas lalo siyang nakaramdam ng inis kay Faye. Hindi sana siya nangungulila ng ganito kay Amaya. Nakaka-init ng ulo dahil, hindi na tama ang pagka maldita nito parang wala naman na sa lugar. Ito ang ayaw na ayaw niya dito na mag-stay sa kanyang bahay dahil sa mas lalo ngang lumalala ang ugali nito talagang pinapaandaran siya ng pagka-maldita nito dahil sa nakokontrol siya nito dahil sa pinagbubuntis nito. Napansin naman niya ang bahagyang takot sa mga mata nito marahil naramdaman nito na seryoso siya. Wala naman talaga siyang panahon sa mga kadramahan ito. Lalo na ngayon at ang nais na lamang na bigyang pansin

