"Oh napaano kang bata ka, bakit humahangos ka? Nasaan ang Ninong mo? Hindi sumama sayo, pasaway talaga na tao iyon sabi kanina pupunta tapos hindi naman pala." palatak ng kanyang Mommy. Siya naman ay halos hingalin daahil sa pag takbo, simula sa bahay ng kanyang Ninong hanggang sa kanilang bahay. "Pwede po makahingi ng tubig Nanay Meling?" Pakiusap niya sa matanda, ito kasi ang malapit sa ref makakaioang lang sila kapag nakipagsiksikan pa siya para kumuha doon. Paano ba naman parang hinahabol siya ng multo dahil sa nakita niya kanina ng magkaroon na naman ng tila flashback sa kanyang isipan. Hanggang ngayon nga ay parang naninindig pa rin ang kanyang balahibo dahil sa nakitang flashback na iyon. Nagtataka sya bakit gano'n ang nakikita niya pero pinakiramdaman naman niya ang kanyang pus

