Naalimpungatan si Amir na ang pakiramdam ay halos mabibiyak ang kanyang ulo sa sobrang sakit napatingin siya sa relong pambisig niya at natuklasan niya na alas dos na ng madaling araw. Kunot-noo siyang napatingin sa paligid, may ilaw ang kwarto at paglabas niya ay may ilaw na din sa sala. Sa pagkakaalam niya ay hapon pa siya nakatulog so ibig sabihin hindi siya nakapagbukas ng ilaw kaya nagtataka siya bakit may ilaw ang loob ng bahay. Maging sa silid niya ay nakabukas din ang ilaw. Naisip niya na baka nagpunta si Amaya para sunduin siya pero dahil nga tulog siya ay hinayaan na lamang siya nito. Baka nagtampo ito sa kanya dahil hindi siya nagpunta sa mahalagang araw para dito. Pero paano ba naman niya kakayanin humarap sa bago nitong boyfriend. Kung ang puso naman niya ay nagdurusa habang

