Ngunit halos ilang minuto na siyang nakahiga hindi pa rin talaga siya dalawin ng antok kahit na pinipilit sana niyang matulog muna. Kaya naman minabuti niyang buksan ang kanyang computer. Ang sabi ng ang kanyang Ninong ay ilang buwan na daw niya itong hindi nabubuksan kaya naman natakot siya na baka tuluyan na ngang masiraz mamahalin pa naman ang hangin na iyon na binili ng kanyang Ninong para sa kanya. Pero pagbukas naman niya ay okay naman ito kaya naman nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay tuluyan na itong nasira. Mahigit dalawang buwan ba naman na nai-stock buti na lang talagang matibay ito. Matapos iyon ay muli siyang bumalik sa kama at nahiga na ulit, pinilit niya ang sarili na matulog wala rin ang siyang gagawin tsaka ayaw talaga niyang lumabas muna ng silid dahil ayaw niy

