Maliwanag na ng magising si Amir nag-aalala siya na baka makita siya ng kanyang Papa na manggaling sa kwarto ni Amaya kaya naman nakiramdam muna siya sa labas bago bumangon. Napangiti siya ng masilayan ang magandang mukha ng kanyang mahal na himbing sa pagtulog tila pagod na pagod ito sa maraming beses na pagniniig nilang dalawa. Hindi lang yata sampung beses niya itong nadala sa paraiso kaya naman heto at parang pagod na pagod pero panatag ang mukha nito tila payapang-payapa ang kalooban nito. Iyon naman talaga ang gusto niya ang mapanatag lamang ang loob nito. Pero dahil sa problemang kinakaharap niya ngayon ay siguradong ilang araw lamang matutuklasan nito ang masakit na katotohanan na hindi na sila pwedeng dalawa. Ngunit dahil sa sinabi nito kagabi na nais na nitong ituloy nila ang