Nanlamig ang buong katawan ni Amir sa narinig na sinabi ng kanyang kumare na si Juanita. Sinagot na daw ni Amaya si Rryan at magkasintahan na ang dalawa. Hindi niya naitago ang pagkadisgusto at pagkagulat sa harapan ng kanyang kumare mabuti na lamang at hindi siya nito nahalata kaya naman pagtalikod niya agad na nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha mula sa kanyang mata. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman ngayon, parang naninikip ang kanyang dibdib at hindi niya makaya iyong sakit isipin palang na may iba ng minamahal ang kanyang pinakamamahal na babae ay para na siyang mababaliw. Parang ikamamatay niya ang sandali lng sinabi iyon ng kanyang kumare. Pakiramdam niya ay may paulit-ulit na tumutusok sa kanyang puso na ng malaman niya na may boyfriend na si Amaya. Tapos nais pala n

