Medyo maayos na ang pakiramdam ni Amaya hindi na rin gaanong masakit ang kanyang ulo niya na kanina nang iniuntog siya ni Ryan ay tila bumaha ng mga alaala sa kanyang utak, lumabas lahat ng mga alaalang nakalimutan na niya. Medyo malakas din kasi ang pagkakaumpog sa kanya ni Ryan kaya naman parang nais pa niyang magpasalamat dito. Dahil kung hindi siya nito nasaktan baka hindi na bumalik ang alaala niyang nawala. Baka hanggang ngayon at sa mga darating na panahon ay mabaon na lamang sa limot ang mga kasalanan ni Faye at tuluyan ng mawala sa kanyang ang kaniyang mahal. Ngunit ang hindi lamang niya matanggap ay ang pagtatangka nito sa kanyang gahasain hindi niya akalain na magagawa iyon sa kanya ni Ryan. Mabuting kaibigan ito sa kanya at naging mabuti rin naman itong kasintahan. Kaya pala

