"Eeyyyy may pa-flowers na lang ba palagi Ryan? Grabe naman yan, kung ako talaga yan sasagutin ko kaagad si Ryan, napakasarap maging boyfriend na ganyang lalaki. Hindi tulad ng iba diyan boyfriend mo na nga, pero wala naman ka sweet sweet sa katawan." palatak ni Monica. Nasa campus sila noon at nagpapahinga sa may waiting shed dahil wala silang klase sa isa nilang subject. Ilang sandaling nawala si Ryan dahil bumili pala ng bulaklak. Isang piraso ng white rose iyon na iniabot sa kanya, kaya naman inggit na inggit si Monica kaya pinaringgan ang boyfriend nito. "True! Kahit iyong isa diyan! Hanggang kwek-kwek at itlog ng pugo lang ang kayang ibigay sakin. Haller! Deserved ko din naman siguro ang maka-recieved ng flowers no!" Palatak din ni Cerine habang nakataas ang kilay na nakatingin s

